fbpx

98.3 Radyo Kidlat – unang electric coop-owned radio station umere na

Ang aktor na si John Lloyd Cruz ang naging unang panauhin sa pag-ere ng 98.3 Radyo Kidlat ng Zambales II Electric Cooperative. (Reia G. Pabelonia)

CASTILLEJOS, Zambales — Nagsimula nang umere ang 98.3 Radyo Kidlat ng Zambales II Electric Cooperative o ZAMECO II.
Ito ang kauna-unahang istasyon ng radyo sa buong Pilipinas na pinapatakbo ng isang electric cooperative.
Ayon kay ZAMECO II OIC-General Manager Romwil De Jesus, magiging kaagapay ng kanilang mga Member-Consumer-Owners o MCOs ang naturang istasyon sa paghahatid ng mga mahahalagang balita patungkol sa koopertiba at energy sector sa pangkalahatan.
Ito rin aniya ay magiging instrumento rin sa pagtataguyod ng turismo sa Zambales. Target nitong maabot ang mga MCOs lalo na ang mga nasa liblib at malalayong lugar.
Sa kanyang naging mensahe, sinabi ni ng PhilReca Partylist Representative Presley De Jesus na target magkaroon ng kahalintulad na istasyon ang lahat ng 121 electric cooperatives sa buong bansa.
Saklaw ng service area ng ZAMECO II ang mga bayan ng Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Antonio, San Marcelino, Castillejos at Subic. (PIA 3)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *