fbpx

ZAMECO II, tutulong sa pagbabalik ng kuryente sa Bicol

Tutulong ang Zambales II Electric Cooperative upang maibalik ang kuryente sa ilang lugar sa Bicol na napuruhan ni Super Typhoon Rolly. Nagpadala sila ng isang team na binubuo ng limang linemen at isang maintenance service vehicle upang makatulong sa mga tinamaan ng naturang bagyo. (ZAMECO II)

CASTILLEJOS, Zambales — Tutulong ang Zambales II Electric Cooperative o ZAMECO II upang maibalik ang kuryente sa ilang lugar sa Bicol na napuruhan ni Super Typhoon Rolly.

Ayon kay ZAMECO II OIC-General Manager Romwil De Jesus, nagpadala sila ng isang team na binubuo ng limang linemen at isang maintenance service vehicle upang makatulong sa mga tinamaan ng naturang bagyo.

Kabilang sila sa 17 electric cooperative mula Gitnang Luzon at CALABARZON na tumulak ngayong araw pa-Camarines Sur. Matapos nito ay lilipat sila ng Catanduanes para tumulong din sa restoration ng kuryente doon.

Paliwanag ni De Jesus, ang Task Force Kapatid ay isang grupo ng mga electric cooperative na tumutuong sa agarang pagbalik ng serbisyo elektrisidad sa mga kapwa electric cooperative na tinamaan ng matinding sakuna gaya ng bagyo at pagputok ng bulkan.

Ang National Electrification Administration o NEA, katuwang ang Philippine Rural Electric Cooperatives Association of PHILRECA, ang siyang nangunguna sa pag-organisa nito at sa deployment kung saang mga lugar ang nangangailangan ng tulong pagdating sa power restoration.

Tutulong ang Zambales II Electric Cooperative upang maibalik ang kuryente sa ilang lugar sa Bicol na napuruhan ni Super Typhoon Rolly. Nagpadala sila ng isang team na binubuo ng limang linemen at isang maintenance service vehicle upang makatulong sa mga tinamaan ng naturang bagyo. (ZAMECO II)

Walang gastos yung benepisyaryo na electric cooperative dahil lahat ng equipment at linemen kasama ang mga gustusin nila ay pahiram at sagutin nung mga electric cooperative na lumahok sa Task Force Kapatid. Lahat yan ay kusang loob na pagtulong at libre para sa benepisyaryo.

Mensahe ni De Jesus sa mga kababayan sa Bicol na lubhang naapektuhan ni Bagyong Rolly, huwag mawawalan ng pag-asa.

Batid aniya nila na ang agarang pagbalik ng serbisyo elektrisidad ay makakatulong ng husto sa pagbangon ng mga residente at industriya na nawalan ng kabuhayan kaya handa ang Task Force Kapatid para tumulong.

Dagdag pa niya na hanggat nandyan ang NEA, PHILRECA, at mga electric cooperative na handang tumulong , hindi sila nag-iisa. (PIA 3)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *