fbpx

REEF MONITORING SA SUBIC BAY

Inatasan ni Olongapo Mayor James “Bong” Gordon Jr. si Supervising Agriculturist Jhobal Sebarrotin na masusing subaybayan ang “artificial reef” na inilagay sa karagatan sa dako ng Barangay Barretto noong Enero14, 2012.

Matatandaang pinangunahan ni Mayor Gordon ang paglalagay ng “concrete reef” kasama ang divers mula sa PNP Maritime Command at Olongapo FARMC.Ang “man-made reef” ay gawa mula sa semento, steel bar, buhangin, graba at tie wire at mistulang 5-layer pyramid.

Inilagay ang “artificial reef” upang mapangalagaan ang yamang dagat, mapagyaman ang ibat’-ibang uri ng “marine life” at mabigyan ng permanenteng tirahan ang mga lamang dagatAyon kay Sebarrotin, kasama sa planong “monitoring” ang pagtatala at dokumentasyon ng pag-usbong ng mga halamang dagat at iba’t-ibang uri ng isda, at ang pangangalaga sa pisikal na kondisyon ng itinayong “man-made reef”.

“We will again ask for the invaluable help of BFAR, PNP Maritime, OCPO, DMO, barangay and of fishing communities to assist us with the monitoring,” dagdag pa niya.

Sa “final report” ni Sebarrotin tungkol sa paglalagay ng “artificial reef” sa Olongapo, ang sinasabi na naturang proyekto ay nakatanggap ng suportang P125, 000.00 mula sa SBIFARMC, samantalang nagpalabas din ang pamahalaang lungsod ng Olongapo ng P106,980.00 bilang bahagi sa proyekto, bukod pa sa “logistics” at “manpower support”, kasama na ang pagtatalaga ng 10 government personnel na nagtrabaho ng walong araw para maisagawa ang paglalagay ng mga “artificial reef”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *