Information awareness, outreach activity, isinagawa sa Sta Cruz

IBA, Zambales — Nagsagawa ng information awareness at outreach activity ang Situational Awareness and Knowledge Management cluster ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Acoje, barangay Lucapon sa bayan ng Sta Cruz, Zambales.

Layunin ng aktibidad na ito na maipaalam sa mga mamamayan lalo na ang mga nasa liblib na lugar ang mga istratehiya at programang ginagamit upang hindi maakay sa maling propaganda ng mga Communist Terrorist Groups.

Ayon kay 3rd Mechanized Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Eugene Henry Cabusao, mahalaga na maabot ang mga residente sa malalayong lugar lalo na sa Geographically Isolated Disadvantage Areas dahil marami na sa kababayan ang nabiktima ng terorista kaya naman puspusan ang kanilang pagsusumikap upang iparating ang mga serbisyo at ipaalam ang ginagawang panloloko at pagsasamantala ng mga maka-kaliwang grupo in.

Samantala, nasa 180 pamilya naman ang nabenepisyuhan ng isinagawang outreach program sa naturang lugar.

Ang mga benepisyaryo ay miyembro ng Acoje Sta Cruz Association Incorporated at Acoje Community Development Association.

Nakatanggap ng food packs at hygiene kits ang bawat pamilya habang 34 sa kanilang mga anak ay nakatanggap ng libreng gupit.

Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ng 3rd Mechanized Infantry Battalion katuwang ang 703rd Infantry Brigade, 522 Engineering Construction Battalion, 1st Provincial Mobile Force Company, Zambales Diversified Metals Corporation, Lucapon South Barangay Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Sta Cruz Municipal Social Welfare and Development Office. (PIA 3)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *