HINDI DAPAT MAKAPORMA ANG CHINA SA SUBIC

LUMALABAS na gusto talaga ng China i-kontrol ang Subic Bay, dating lugar ng US Naval Base ng Estados Unidos, bukod pa sa kalawakan ng West Philippine Sea na walang pakundangan na nilang binabalahura.

Ito Ang Totoo: napaka-istratehiko nga naman ng Subic Bay hindi lamang sa larangan ng komersiyo kundi pati sa aspeto na pang-militar at seguridad sa bahaging ito ng Asya.

Kaya nang magsara ang Hanjin, ang kompanyang Koreano na gumagawa ng mga dambuhalang barko, kumilos din ang mga Intsik para maka-take-over sa mga pasilidad nito.

Gayunman, tiniyak na ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Wilma T. Eisma na sa mga susunod na buwan ay muling magbubukas ang shipbuilding facility sa ilalim ng kompanyang ayaw pa niyang pangalanan pero sigurado hindi raw Intsik.

Ito Ang Totoo: katakot-takot naman ang usapan nitong mga nakaraang araw kaugnay ng Grande at Chiquita Islands dito pa rin sa Subic, na umano’y kinukuha rin ng mga Intsik.

Sa harap ng mga paglapastangan ng China sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, nakaaalarma lalo ang presensiya ng mga Intsik sa balat ng lupa ng Pilipinas.

Naglipana na nga sila sa laganap na Online Gambling na umuokupa ng mga buong hotel, apartments, restaurants, pati dating eskuwelahan, at iyon nga, pati mga isla sa bibig ng Subic Bay ay gusto pa kunin.

Ito Ang Totoo:  hindi na dapat isyu ang pag-okupa ng mga Intsik sa dalawang isla dahil ibinasura na ng SBMA Board ang proposal ng kompanyang nakipagsabwatan sa mga Intsik, ang GFTG Property Holdings, Inc. sa pamamagitan ng pagbebenta ng mayoryang shares sa Sanya ng China.

Noong Mayo 19, 2019 naganap ang pagbasura na, ayon kay Eisma, ay sa kadahilanang lalabag sa konstitusyon ang panukalang proyekto ng GFTG Property Holdings Corp.

Naghahanap na lang daw ang SBMA ngayon ng ibang investor na magdi-develop sa naturang mga isla bilang tourist attraction.

3 thoughts on “HINDI DAPAT MAKAPORMA ANG CHINA SA SUBIC

  • November 9, 2020 at 10:29 am
    Permalink

    We have been invaded by these Chinese for so long now, not just recently. They have done and are still doing it right now, right before our very nose. They are the ones who control not just ours but the whole world’s economy. They started all these deadly diseases that has wrought havoc worldwide. They are the biggest and most populous group in the planet. They bring the best and the worst things to mankind. What can we say more?

    Reply
  • December 27, 2020 at 12:31 am
    Permalink

    YANG mga INTSIK may DREAM na maging SUPERPOWER, at baguhin ang WORLD ORDER….
    Decades na , they’re CHEATING, STEALING, whatever they can get…Maybe someday will be SPEAKING MANDARIN… If WE are NOT CAREFUL.

    Reply
  • December 27, 2020 at 12:50 am
    Permalink

    We SHOULD NOT FORGET the VIRUS , came from CHINA, and we call it “CHINA VIRUS ”

    THEN SELL FACE MASK in BILLIONS.
    And play like “DIPLOMAT” by giving away FREE VACCINES to Poor countries ( MAUTAK ANO).
    Kailangan natin ma EDUCATE ang ating CTIZENRY , ang ating school system ma UPGRADE.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *