fbpx

Balita sa Wiang Pinoy: 145 siklista, sumali sa Bike for Peace and Justice sa Zambales

Humigit kumulang 145 siklista ang sumali sa isinagawang Bike for Peace and Justice sa Zambales. (Reia G. Pabelonia)

IBA, Zambales — Humigit kumulang 145 siklista ang sumali sa isinagawang Bike for Peace and Justice sa Zambales.

Layunin ng aktibidad na tumawag ng hustisya para sa mga naging biktima ng kaharasan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF kabilang na ang magpinsang Kieth at Nolven Absalon sa Masbate.

Isa sa mga nagbigay ng mensahe si 1CL Kenneth Absalon na nakakatandang kapatid ni Kieth. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Philippine Merchant Marine Academy sa bayan ng San Narciso.

Ayon kay Kenneth, ang bawat isa lalo na ang mga kabataan ay dapat maging bukas ang isipan upang hindi madagdagan ang miyembro ng CPP-NPA-NDF at matuldukan na ang insurhensya.

Giit niya, makakamit ang kapayapaan ng walang karahasan.

Nagpasalamat din si Kenneth sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaang nasyonal sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para sa hangaring ito tulad ng pagbibigay ng basic services sa kanayunan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Governor Hermogenes Ebdane Jr. na ang nagyaring pagpatay sa magpinsang Absalon ay hindi dapat kalimutan bagkus ay dapat maging gabay ito na kailangan ng kapayaan upang umunlad ang bayan.

Ani Ebdane, ang unang dapat isaalang alang ay ang kapakanan ng bayan, ng lalawigan at ng bansa.

Nakilahok din sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan, Department of the Interior and Local Government, mga sundalo at mga pulis.

Nagtagpo sa Provincial Capitol Grounds sa bayan ng Iba ang mga kalahok na nagmula sa mga starting point sa Palauig at Botolan. (PIA 3)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *