fbpx

AGAP LISTA sa OCNHS

Tagumpay ang isinagawang AGAP-LISTA o Early Registration tuwing araw ng Sabado mula Enero 28 hanggang Pebrero 25, sa pamumuno ni Punong Guro Eva P. Unay, Ed.D at Tagamasid Pampurok G. Paquito Figuero Jr., sa pakikipagtulungan ng mga Ulong Guro ng bawat kurikulum sa pangunguna ni Bb. Fe Porras, Gng. Nita Mago, Gng. Mirriam E. Adobo at Gng. Lovella M. Jarobel.

Nagsagawa ng malawakang panawagan ang buong dibisyon ng Olongapo sa pamamagitan ng isang parada upang ipaalam, at hikayatin ang mga magulang na makiisa sa panawagan ng Departamento ng Edukasyon (DepEd), alinsunod sa DepEd Order No. 5, series 2016 at DepEd Order No. 37, series 2016. Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralang OCNHS sa mga magulang na nakiisa sa panawagang ito at sa mga gurong nakatalaga sa pagpapalista mula grade 7and hanggang grade 10 na matiwasay na naisagawa.

Layunin ng panawagan na maihanda ang mga paaralan sa anumang pangangailangan at kakulangan sa darating na Panuruang Taon 2017-2018.(Lovella M. Jarobel)

 

PUMARADA at nagsagawa ng motorcade ang mga guro at estudyante ng Ilalim Elementary School, Tapinac Elementary School at OCNHS sa pamumuno ni Tagamasid Pansangay G. Paquito Figuero, Jr. (Larawan kuha ni Lovella M. Jarobel)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *