fbpx

BAWAL PA RIN ANG PAPUTOK SA OLONGAPO

Mahigpit pa ring ipinagbabawal sa ongapo ang pagbebenta at paggamit ng anumang uri ng “pyrothenics at firecrackers”

Ito ang binigyang diin ni Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon Jr., nang_atasan niya ang Task Force Pyrotechnics na siguruhing lahat aytumatalima sa pagbabawal ng Paputok, ayon na rin sa City Ordinance No. 63 Series of 2008.

“Hindi lang paputok ang ipinagbabawal kundi lahat ng pyrotechnics, pati lusis,” saad ni Gordon, bilang pagbibigay-diin sa responsibilidad ng pamahalaang lungsod upang panatilihing ligtas ang publiko sa gitna ng kasiyahan sa nalalapit na selebrasyon ng pasko at bagong taon.

Pinamumunuan ni City Health Officer Dr. Arnildo Tamayo ang Task Force Pyrotechnics.

Para sa kaligtasan ng publiko at pangkahalatan pinagbabawal ang paggawa, pagbenta, pamimigay ng anumang klase ng paputok o pyrotechnic devices sa loob o sa nasasakupan ng lungsod ng Olongapo ayon na rin sa ordinansa na may 3 taon ng pinapatupad sa Olongapo.

“Ang ordinansang Ito ay pagtitiyak lamang sa kaligtasan ng lahat, pag-iwas sa maaaring masamang epekto nito sa kalusugan ng mga gagamit.

Maaari tayong gumamit ng ibang bagay tulad ng mga lata, kalderong hindi na gjnagamit sa pagsalubong ng pasko at bagong taon sa ganitong paraan iwas disgrasya ang lahat,” pahayag ni Gordon.

Please follow and like us:
error

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *